EXECUTIVE SUMMARY IN FILIPINO
Inflection Point International
Isang pag-aaral ng epekto, inobasyon, mga banta, at sustainability ng digital media entrepreneurs sa Latin America, Timog-silangang Asya, at Africa
ABOUT US
This report was created by
thanks to support from
with additional support from
Executive summary
Nang lumaganap sa buong mundo ang lockdowns dulot ng pandemya noong maagang bahagi ng 2020, bumulusok pababa ang advertising rates at nagbabala ang news analysts ng isang “extinction-level event” para sa news organizations.
Nabahala ang SembraMedia sa maaaring epekto ng krisis na ito sa independent digital native media na aming katrabaho. Dahil dito, sinimulan namin ang isang malakihang proyektong pananaliksik noong umpisa ng 2021 upang malaman kung ano ang nangyari sa medyo bagong media players at kung ano ang nabago mula noong una naming Inflection Point na pag-aaral noong 2016.
Nakahinga kami nang maluwag noong malaman naming karamihan sa mahigit na 200 digital native media na kasama sa pinalawig na pag-aaral na ito ay hindi nagtamo ng malaking pagkaluging pampinansiyal na iniulat ng tradisyonal na media players. Ipinahihiwatig ng aming pagsusuri na ang pangunahing dahilan nito ay hindi masyadong umaasa sa advertising ang digital native media; nadagdagan din ang grant funding para sa media noong 2020.
Sa aming unang Inflection Point na pag-aaral, nakapanayam namin ang 100 digital native media entrepreneurs sa Argentina, Brazil, Colombia, at Mexico. Bukod sa pagsasagawa ng 100 na mga panayam sa apat na mga bansa para sa ulat na ito, nagdagdag pa kami ng walo pang mga bansa kung saan nakapanayam namin ang media leaders mula sa
49 na digital media organizations sa Africa: mula sa Ghana, Kenya, Nigeria, at Timog Africa; at 52 sa Timog-silangang Asya: mula sa Indonesia, Pilipinas, Malaysia, at Thailand.
Kasama ang isang pangkat ng 23 lokal na mga mananaliksik na pinamumunuan ng regional managers, nagsagawa kami ng mga panayam gamit ang sariling wika ng bawat bansa. Ang mga panayam ay tumagal ng mula 2 hanggang 3 oras at naglaman ng 500 na mga katanungan na sumaklaw sa nilalaman ng pamamahayag (journalistic content) at epekto nito, kalayaan sa media at kaligtasan ng mamamahayag, mga pinagmulan ng kita at mga gastos, istraktura at karanasan ng pangkat, paggamit ng social media, at teknolohiya at inobasyon.
Tulad ng maaari mong asahan, may mga pagkakaibang panrehiyon sa digital news media sa Africa, Timog-silangang Asya, at Latin America na isinama namin sa ulat na ito. Subali’t ang pinakanapansin namin habang sinusuri ang datos ay ang mga lumitaw na pagkakatulad ng news organizations habang nagsusumikap silang i-cover ang kanilang mga pamayanan at magtayo ng sustainable business models.
Bagaman karamihan sa digital news media sa mga bansang ito ay medyo maliit ang budget, sila ay may epekto na lampas sa laki ng kanilang mga pangkat at resources. Marami sa kanila ang dalubhasa sa investigative at data journalism, at higit sa 50% ang nanalo ng national o international awards para sa kanilang trabaho.
Ang Inflection Point International ay kumakatawan sa pinakamalalim at pinakamalawak na pananaliksik na ginawa kailanman sa estado ng digital native media sa Latin America, Timog-silangang Asya, at Africa. Tulad ng maraming bagay sa ating mundong hindi pa talaga nalalampasan ang pandemya ng Covid-19, ang natuklasan namin ay halo ng nakakaalarmang mga banta at nakakapagbigay ng pag-asa na mga tagumpay.
Ang digital news outlets sa pag-aaral na ito ay itinayo ng determinadong media founders na handang harapin ang mga tiwaling gobyerno at marahas na international cartels sa kabila ng limitadong resources. Masyadong marami sa kanila ay inilalagay sa peligro ang kanilang mga kabuhayan—at sa pinakamalalang mga kaso, ang kanilang buhay.
Subali’t ang ulat na ito ay hindi isang paghingi ng tulong o desperadong pagmamakaawa upang mailigtas ang isang grupo ng media na humaharap sa kaguluhan—marami nga sa media founders na aming nakapanayam ay nag-aatubiling humingi ng tulong.
Ang aming layunin sa mga susunod na mga pahina ay tanglawan ng liwanag ang dumadaming media players na mga ito na ngayon pa lang nagsisimulang tumanggap ng karapat-dapat na pagkilala. Marami sa digital native media sa pag-aaral na ito ay nakagawa ng mga kwentong nagkaroon ng makabuluhang epekto sa mundo, mula sa pagprotekta sa endangered species, pagtaguyod sa gender equality, hanggang sa pagpuwersang magbitiw sa kahihiyan ang mga tiwaling opisyal sa gobyerno.
Binabahagi namin ang aming mga natuklasan at rekomendasyon dahil karapat-dapat naming tulungan ang media leaders na mga ito upang panatilihin silang ligtas habang nilalabanan nila ang mga makapangyarihang puwersa. Karapat-dapat din silang bigyan ng suportang pampinansyal at pagsasanay upang makapagtayo ng mas matatag na malayang media organizations na maglilingkod sa kanilang mga pamayanan—at mga demokrasya—sa mga darating na taon.
Pagtratrabaho sa ilalim ng walang-patid na mga banta at pag-atake
Humaharap ang bagong new media ventures na mga ito sa marami sa parehong mga hamon na tipikal na hinaharap ng startups. Subali’t madalas na sila ay nagtratrabaho sa ilalim ng mga kundisyon na ituturing na hindi kapani-paniwala ng ibang business founders—mula sa mga online na pag-atake hanggang sa pisikal na karahasan.
Sa tatlong rehiyon, 51% ng media organizations sa pag-aaral na ito ang nagsabing sila ay biktima ng mga digital na pag-atake, at 40% ang nagsabing sila ay pinagbantaan dahil sa kanilang trabaho—kadalasan kada linggo o kung hindi ay araw-araw.
Laganap na ang online harassment. Marami sa organizations na aming nakapanayam ang nagsabing napasailalim sila sa halos walang-patid na trolling at iba pang uri ng online abuse at harassment—kadalasan sa pamamagitan ng social media.
Paano lumikha ng kita ang digital native media noong 2019 at 2020
Upang mas maintindihan namin kung ano ang naging kalagayan ng digital native media bago nagka-pandemya at habang may pandemya, tinanong namin sila ng detalyadong mga katanungan tungkol sa pinagkukunan ng kita at mga gastos nila noong 2019 at 2020.
Sa buong ulat na ito, gumamit kami ng datos mula sa 2019 para maiwasan ang maaaring mga pansamantalang anomalya na dulot ng pandemya. Isinama lang namin ang mga natuklasan mula sa 2020 kapag may mga pagkakaibang kapansin-pansin.
Dapat naming banggitin na hindi lahat ng media sa pag-aaral na ito ay nasagot ang aming mga katanungan tungkol sa kita at pananalapi; may ilan na tumangging sumagot kahit na siniguro naming mananatiling lihim ang lahat ng kanilang mga kasagutan. Dahil dito, ang mga numero sa pananalapi sa ulat na ito ay nakabatay sa mga natutunan namin sa 141 mula sa kabuuang 201 media leaders na aming nakapanayam. Para mas maihambing ang aming mga natuklasan, ang mga kita at gastos ay tinuos sa U.S. dollars gamit ang average conversion rates para sa taong inulat.
Sa lahat ng media sa tatlong rehiyon sa pag-aaral na ito, ang mga nangungunang kategorya ng kita ay: grants, advertising, consulting services, content services, at reader revenue, sa ganitong pagkakasunod-sunod, para sa parehong taon.
|
|
|
|
| |||||
| 28.08% | 30.75% | $48,258 | $63,597 | |||||
| 23.32% | 20.81% | $27,903 | $27,323 | |||||
| 11.96% | 10.26% | $17,664 | $27,770 | |||||
| 8.28% | 6.86% | $10,492 | $14,066 | |||||
| 8.27% | 6.49% | $23,180 | $21,834 |
* Pinagsama ng mga numerong ito ang mga magkakatulad na pinagkukunan ng kita sa mga nangungunang kategorya.
- Grants: Kasama ang lahat ng grant funds mula sa pribadong foundations, philanthropic investors, at mga pribadong korporasyon, kasama ang Google at Facebook, pati na rin ang grants mula sa mga banyaga at lokal na organisasyong gobyerno
- Kita mula sa ads: Kasama ang lahat ng mga inulat na pinagmulan ng ads, kasama ang Google Adsense, affiliate ads, programmatic ad networks, sponsored content at native advertising, at ads na binenta ng mga ahensya at mga tauhan
- Kita mula sa content services: Kasama ang lahat ng mula sa content syndication, unique content na nilkha para sa ibang media, content na nilikha para sa mga kliyenteng hindi media, at design o tech services
- Kita mula sa readers: Kasama ang lahat ng subscriptions, membership fees, newsletter subscriptions, donasyon mula sa mga indibidwal, crowdfunding, at pinagbentahan ng event tickets
Kapansin-pansin ang mataas na antas ng grant funding dahil hindi ito pangunahing pinagmulan ng kita ng media na aming pinag-aralan sa Latin America noong 2016. Ito ang taon kung kailan ang grant funding ay naiulat ng 16% lamang ng media na kasama sa aming unang pag-aaral.
Noong 2019, ang grant support sa lahat ng media sa tatlong rehiyon sa pag-aaral na ito ay kumatawan sa 28% ng kabuuang kita at tumaas ng 31% noong 2020. Ang average na antas ng grant kada media ay tumaas mula $48,000 noong 2019 sa higit pa sa $63,000 noong 2020. Mas mataas pa rito ang grant support sa Latin America.
Sa mga pribadong pag-uusap, narinig namin na may donors at foundations na pasidhi nang pasidhi ang pag-aalala na ang independent media ay nagiging masyadong nakaasa sa grant funding. Ganyan din ang aming pag-aalala. Gayon pa man, may dahilan upang maniwala na ang nadagdagang donor support at philanthropic investment ay bahagi ng mga bagay na nakatulong sa digital entrepreneurs na harapin ang bagyo noong “pandemic crash.”
Upang makita ang tunay na kahalagahan ng natuklasan namin na ito, importanteng pansinin na maliit lamang ang budget ng digital entrepreneurs kaya’t malaking tulong sa kanila ang funding, gaano man ito kaliit.
Iniulat ng higit sa 60% ng digital native media organizations sa pag-aaral na ito na ang kabuuang kita nila noong 2019 ay mas mababa sa $50,000; 8% sa kanila ang nag-ulat na walang kinita na nangangahulugang lubos silang umaasa sa volunteers.
Subali’t hindi lahat sila ay ganoon kaliit. Sa tatlong rehiyon noong 2019, higit sa 36% ang nag-ulat ng taunang kita na sobra sa $100,000, at 15% ang nag-ulat ng median na taunang kita na higit sa $1 milyon.
Natuklasan din namin na halos 25% ang tinapos ang 2019 na kahit papaano ay may kinitang tubo matapos ibawas ang mga gastos.
Dikit na pumangalawa bilang pinakamahalagang kategorya ng kita ang kita mula sa advertising.
Ang median na kita mula sa ads kada organisasyon ay nanatiling medyo matatag sa $28,319 noong 2019, at $27,323 noong 2020.
Upang mas maintindihan kung paano nagtatayo ng business models ang media na nasa iba’t ibang yugto ng development, gumawa kami ng listahan ng 30 magkaibang uri ng pinagkukunan ng kita na ating sisiyasatin nang puspusan sa kabanata tungkol sa Building Business Models.
Matagal na naming itinataguyod ang paggamit ng iba-ibang mapagkukunan ng kita para sa mas maigting na kalayaan at sustainability. Subali’t nang ihambing namin kung ilan ang pinagkukunan ng kita ng bawat media at papaano nito naapektuhan ang kanilang taunang kita, natuklasan namin na hindi lagi mas mabuti ang marami, at ang dalawa hanggang anim na mapagkukunan ng kita ang pinakamainam.
Ang mga nag-ulat na may higit sa anim na pinagkukunan ng kita ay hindi rin naman awtomatikong kumita ng mas malaki. Ang pagkatuklas na ito ay aming inuugnay sa isang pangkaraniwang hamon na hinaharap ng maraming entrepreneurs: ang sabay-sabay na pagkuha ng masyadong maraming proyekto ay maaaring humadlang sa tagumpay.
Mas malakas kumita ang mga pangkat na may iba’t ibang kakayanan
Isa sa pinakamalaking pagkatuklas mula sa aming unang pag-aaral ng media organizations na pangunahing pinamumunuan ng mga mamamahayag ay ang epekto ng pagdadagdag sa kanilang mga pangkat ng isa man lang na nakatutok na sales o business development person.
Sa pinalawig na pag-aaral na ito, nakita namin ang pagkatuklas na ito sa tatlong rehiyon. Ang mga nag-ulat na may isang swelduhang sales person sa kanilang mga tauhan ay nakakuha ng mula anim hanggang siyam na beses na mas mataas na kita kumpara sa iba na walang ganitong sales person.
Sa pagkakataong ito, tinanong namin kung magkano ang pa-sweldo nila. Natuklasan namin na ang sweldo ng sales at business development na mga posisyon ay nasa pagitan ng $200 at $2,000 kada buwan, na may pandaigdigang median na $733.
Dahil sa malaking epekto ng pagkakaroon ng isang tauhan na nakatutok sa pagpapalago ng kita, at ang medyo mababang cost of labor sa mga merkadong ito, ang pamumuhunan sa sales at business na mga tauhan ay nananatiling isa sa aming pinakamahalagang rekomendasyon.
Bukod pa sa ibang mga mahalagang pagkatuklas, nalaman din namin na ang media organizations na may nakatutok na tech o innovation lead ay nag-ulat ng tatlong beses na mas mataas na kita—kahit na wala silang sales person sa kanilang pangkat.
Mataas na bilang ng mga babae at minority owners
Isa sa pinaka-nakakahangang pagkatuklas mula sa aming unang Inflection Point na ulat ay mga babae ang kumakatawan sa 38% ng lahat ng media founders sa 100 digital natives na aming nakapanayam sa Argentina, Brazil, Colombia at Mexico.
Ang pagkatuklas na ito ay makabago dahil pinakikita nito na mas maraming mga babae ang may upuan sa mesa ng mga may-ari ng medyo bagong media organizations kumpara sa mga diyaryo at istasyon ng telebisyon sa merkado, kung saan ang mga babae ay kumakatawan sa kasing baba ng 1% ng may-ari.
Sa pag-aaral na ito, natuklasan namin na 32% ng lahat ng founders ng 201 na mga kumpanyang aming pinag-aralan ay mga babae, bagaman ang mga bilang ay iba-iba sa mga rehiyon at di-hamak na mas mababa sa Africa.
Natuklasan din namin na 25% ay nagsabing isa man lamang sa kanilang founders ay kumakatawan sa isang komunidad ng minorya (minority community) sa kanilang bansa: halos 30% sa Latin America, 25% sa Timog-silangang Asya, at 20% sa Africa.
Sino ang dapat bumasa sa ulat na ito
Binabahagi namin ang mga natuklasan sa ulat na ito upang tulungan ang digital media entrepreneurs. Subali’t maaari ring makinabang ang traditional media leaders mula sa mga kaalaman na ito, habang ang digital innovation ay patuloy na ginuguho ang tradisyonal na media business models.
Alam na alam ng SembraMedia na inilalathala namin ang ulat na ito sa isa na namang panahon nang matinding pagbabago (“inflection point”) sa medyo maikling kasaysayan ng digital native media. Habang nilalabanan nila ang maling impormasyon at nagtratrabaho para magbigyan ng kaalaman ang kanilang mga pamayanan, kailangan din nilang makibaka sa krisis sa ekonomiya na dulot ng pandemya sa kanilang mga bansa, lahat na ito habang hinaharap nila ang walang-patid na mga banta at pag-atake.
Umaasa kami na ang mga kaalaman, rekomendasyon, at best practices sa ulat na ito ay magbibigay kapangyarihan sa media leaders, funders, academics, at iba pang katulad din namin ang misyon na tulungan ang digital media entrepreneurs na lumaki, mag-innovate, at sa huli ay mas makapagbigay-alam sa kanilang mga pamayanan sa mga paraan na nagpapalakas sa demokrasya.
Ang ulat na ito ay ginawa ng SembraMedia – salamat sa suporta mula sa Luminate, at sa karagdagang suporta mula sa CIMA.